Answers

2016-07-03T16:24:26+08:00

Binubuo na ng kampo ni ‘presumed president-elect’ Rodrigo Duterte ang listahan ng posibleng miyembro ng kanyang Gabinete sa oras na siya na ang ideklarang panalo sa nakalipas na eleksyon.

Ayon sa source ng Inquirer, ilan sa mga personalidad na napupusuan ni Duterte na maging bahagi ng kanyang mga Kalihim ang magiging bahagi ng kanyang ‘powerhouse of experienced and competent leaders.

Isa sa mga posibleng maging bahagi ng Gabinete ay si Jesus Durez na dating press secretary at tagapagsalita ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Posible aniyang ipuwesto si Dureza bilang Kalihim na magsusulong ng peace process sa Mindanao dahil nakibahagi din ito sa proseso noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Dating classmate ni Duterte si Dureza sa high school sa Ateneo de Davao.

Ayon pa kay Duterte, posible naman niyang italaga sa DOTC o Dept. of Finance si dating Agriculture Secretary Carlos Dominguez na may-ari ng Marco Polo Hotels na kanyang kababata.

Posible naman aniyang maging Budget secretary niya si Rep. Isidro Ungab na kinatawan ng third district ng Davao at chairman ng House committee on Appropriations at consultant ng Asian Development Bank.

Binanggit din ni Duterte ang posibilidad na mabigyan din ng posisyon sa kanyang Gabinete ang ilang mga retiradong opisyal ng militar.

Ayon sa ilang source, ilang mga malapit sa alkalde ang inilulutang ang mga pangalan nina dating AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon Jr. at dating Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Isa pa sa mga pangalang lumutang ay ang outgoing mayor ng bayan ng Maribojoc, Bohol at dating pari na si Leoncio Evasco Jr., na ayon sa ilang source ay posibleng maging Executive Secretary.

Samantala, sina Peter Laviña, na kanyang naging tagapagsalita, at Atty. Salvador Panelo ang kanyang magiging press secretary.

Si Senador Alan Peter Cayetano, na running mate ni Duterte ay aalukin na maging Kalihim ng Department of Foreign Affairs o Department of Justice makalipas ang 1-year ban na nagbabawal sa mga kumandidato na humawak ng puwesto sa gobyerno.

0