Answers

2016-07-03T18:50:08+08:00
Ang tauhan ang siyang kumikilos sa kuwento. Siya ang gumagawa ng mga desisyon na nagpapatakbo sa salaysay. Ang tauhan ay maaaring tao (bata o matanda, babae o lalaki, mula sa totoong daigdig o lugar na likhang-isip lamang), hayop, (gaya ng nina Pagot at Matsing), halaman (mga nagsasalitang puno, gulay, o bulaklak) o mga bagay (lumilipad na aklat, nagsasayat na kutsara at tinidor, mga larawang nabubuhay pagsapit ng takdang oras). Tao man o hindi ang tauhan, sila ay kailangang magkaroon ng mga katangiang pantao. Ibig sabihin, may kakayahang ipahayag ang niloloob, nakapagdedesisyon, nakakikilos, at may damdamin
0