Answers

2016-07-04T20:11:56+08:00
Masaya tumira sa estados unidos pero its more fun in the philippines


0
2016-07-04T20:46:26+08:00

Isang republikang pederal ang Estados Unidos ng Amerika (EUA) (Purong Tagalog: Nagkakaisang Kalupaan ng Amerika) (Ingles: United States of America o USA) na may limampung (50) estado at isang distritong pederal. Matatagpuan sa kalagitnaan ng Hilagang Amerika ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang bawat isa na naaayon sa sistemang pederalismo. Mayroong tatlong lupang hangganan ang Estados Unidos kung saan sa Mehiko matatagpuan ang isa habang saCanada naman ang natitira. Pinaliligiran din ito ng iba't ibang anyo ng tubig tulad ng Karagatang Pasipiko, Dagat Bering, Karagatang Artiko, at Karagatang Atlantiko. Hindi karatig ng dalawang estado (Alaska at Haway) ang natitirang apatnapu’t walo. Pareho din nilang hindi karatig ang isa't isa. Mayroong koleksiyon ng mga distrito, teritoryo at iba pang pagmamay-aring panlabas ang Estados Unidos sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karaniwang tinatawag na "Amerikano" ang mga mamamayan nito.

Sa sukat na 3.79 milyong milya parisukat (9.83 milyon km2) at may populasyon na 315 milyon, ang Estados Unidos ay ang ikatatlo at ika-apat na pinakamalaking bansa ayon sa kabuuang sukat ng lupa, at ang ikatlong pinakamalaki sa parehonng sukat ng lupa at populasyon. Isa ang Estados Unidos sa pinakamaraming etnisidad at isa sa mga bansang maraming kultura, na bunga ng maraming imigrasyon ng mga tao mula sa iba't ibang bansa.[1]

Mababakas sa deklarasyon ng labintatlong kolonya ng Britanya sa Hilagang Amerika noong 1776 ang pinagmulan ng Estados Unidos, kung saan idineklara nila na wala nang sumasaklaw sa kanila at malalayang na silang mga estado, na pinatibay ng Tratado ng Paris noong 1783. Mula kalagitnaan ng ika-20 dantaon, naunahan na nito ang alinmang bansa sa impluwensiya saekonomiya, politika, militar, at kultura.

Natatag ang Amerika sa ilalim ng tradisyon ng pamahalaang may pagsang-ayon ng pinapamahalaan sa modelong demokrasyang representatibo. Nakopya rin ng maraming pang bansa, lalo na ng mga nasa Gitnang Amerikaat Timog Amerika, ang modelo ng pamahalaang Amerika kung saan gumagamit sila ng sistemang pampanguluhan (presidential)-konggresyonal.

0