Answers

2014-07-21T20:37:16+08:00
Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.
May apat na anyo ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro.Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.

0
2014-07-21T20:45:17+08:00
......................................
0