Answers

2016-07-04T21:31:17+08:00

Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.


Ang Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.

0
2016-07-04T21:40:02+08:00
Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.
May dalawang ayos ang pangungusap:karaniwan at di-karaniwan. Kung ang panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa di-karaniwan ayos. Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.
Karaniwan/ganap - Nagsisimula sa Panaguri at Nagtatapos sa simuno. Halimbawa: May bagong tsinelas si AnaDi- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno at Nagtatapos sa Panaguri. Halimbawa: Si Ana ay bumili ng bagong tsinelas
0