Answers

2016-07-16T10:10:17+08:00

Ang Simbahang Ortokoksong Syriac o Syriac Orthodox Church; (Siryako: ܥܕܬܐ ܣܘܪܝܝܬܐ ܬܪܝܨܬ ܫܘܒܚܐ, ʿīṯo suryaiṯo ṯrišeṯ šubḥo) ay isang autocephaliyang simbahang Ortodoksong Oriental nakabatay sa Silangang Mediterraneo at ang mga kasapi ay nakakalat sa buong mundo. Ang Simbahang Ortodoksong Syriac ay nag-aangkin na ito ay nagmula sa isa sa unang mga pamayanang Kristiyano na itinatag sa Antioch ni Apostol Pedro. Ito ay gumagamit ng pinakalumang umiiral na liturhiya ng Kristiyanismo na Liturhiya ni San Santiago at gumagamit ng Wikang Syriac na isang dialekto ng wikang Aramaiko na pinaniniwalaan ng marami na ang wikang ginamit ni Hesus at ng kanyang mga apostol. Ang iglesiang ito ay pinamumunuan ng Ortodoksong Syrian na Patriarka ng Antioch.



0