Answers

2016-07-10T05:33:06+08:00
Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto[1] Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng isang sugnay, bagay sa isang pandiwa, o bagay sa isang pang-ukol.[1] HALIMBAWA Panlalaki - pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan (lalaking kalabaw), atbp. Pambabae - madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga (hindi pa nanganganak na babaing hayop), sirena, atbp. Di tiyak - tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki - magulang,pinsan, bata, kaibigan, atbp. Walang Kasarian - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay - bagay, laruan, mesa, sasakyan,manika, atbp.
0