Answers

2016-07-06T15:53:26+08:00
Ang iba't ibang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang sarili sa isa o higit pa na mga salik katulad ng lipiwikarelihiyon o sa isang magkatulad nakasaysayan. Binubuo ng malaking mayorya ng populasyon ng pangkat na ninirahan sa kapatagan na Austranesyano, at naging Kristiyano mula sa pagiging Animismo,HinduismoBudismo o Islam sa loob ng tatlong daang taon ng pananakop ng mga Kastila. Mula hilaga hanggang timog, ang pinakamarami sa mga pangkat na ito ay mga Ilokanomga Pangasinensemga Tagalogmga Kapampanganmga Bikolano, at mga Bisaya. Sinasabi minsan na bahagi ang mga pangkat na ito sa lahing Austranesyano at/olahing Malay; bagaman, kadalasang tinuturing ng marami na walang batayang pang-agham ang guhit-balangkas na nakabatay sa lahi, lalo na dahil sa tinuturing na Pilipino ang mga Negrito sa Pilipinas.

0
kuya larawan po kasi hinahanap ko hindi po text pero salamat sa anser
answer