Answers

2016-07-06T16:46:14+08:00
1. Kolokyal Sinasaklaw lamang nito ang isang tiyak na bilang o grupo at lugar kung saan ginagamit ang isang tiyak na lenggwahe. Tumutukoy ito sa baryasyon ng isang lenggwahe na ginagamit sa isang lugar subalit maaaring hindi maunawaan sa ibang lugar dahil sa pagkakaroon nito ng ilang modipikasyon dala na rin ng interpretasyon ng mga taong nagsasalita nito.2. Balbal Madalas ipinagpapalgay na ang balbal ay kauri rin ng kolokyal. Subalit may magkaibang distinksyon ang dalawang ito. Bagamat umiiral din ang balbal sa isang tiyak na lugar at may mga tiyak na grupo na gumagamit nito,posibleng hindi lahat ng nasa isang lugar ay nakauunawa ng mga balbal na mga salita. Halimbawa’y ang mga naninirahan sa “Tondo” na bagamat iisa lamang ang komunidad na kanilang ginagalawan, hindi lahat ng naninirahan dito ay nakauunawa sa lenggwahe ng mga Bakla o Kanto Boys.3. Kahulugang Konotatibo at Denotatibo Ang kahulugang Denotatibo ay ang literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo. Habang ang Konotatibo naman ay tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat. May mga salitang maaaring wasto ang pagkakagamit sa usaping denotatibo subalit maaaring lumikha ng tunggalian o kalituhan sa loob ng isang teksto.4. Halimbawa’y ang salitang “ahas” na ang kahulugang denotatibo ay isang makamandag na hayop na gumagapang. Subalit kung gagamitin ito sa pangungusap sa loob ng isang teksto tulad ng “Inahas ni Florintino ang nobya ni Dave na matalik niyang kaibigan”, ay ganap na nawala ang kahulugang denotatibo sapagkat iba na naging konotasyon n
0
2016-07-06T17:10:15+08:00
What what are you saing about
0