Answers

2016-02-24T14:17:08+08:00
Sa simula, bago pa man nagkaroon ng araw, buwan, oras o ano pa man, may dalawang Diyos ang nakatira sa sanlibutan. Sila ay si Tungkung Langit, at ang kanyang kabiyak na si Alunsina.
Matigas ang ulo ni Tungkung Langit dahil gusto nitong mapaligaya ang asawa. Lumikha ito ng lumikha ng hindi pinapayagan ang asawa niyang sumali sa kanyang ginagawa.Isang araw, sinundan ni Alunsina ang kanyang asawa. Nang makita siya nito, tinaong siya ni Tungkung Langit kung bakit ito sinusundan. Sinabi muli ni Alunsina na nais nyang lumikha. Nilikha ni Tungkung Langit ang kulog at kidlat upang mapakalma ang asawa.
Ngunit hindi ito nagustuhan ni Alunsina kaya nagalit ito. Pero hindi pa rin siya pinakinggan ng asawa. Umalis lamang ito at lumikha ng marami pang mga bagay. 
Dahil sa lungkot ay lumayas si Alunsina at nang datnan ni Tungkung Langit ang bahay ay wala na ang mga laman nito. Hinanap ni Tungkung Langit ang asawa ngunit di niya ito matagpuan.
Isang araw, sumilip si Tungkung Langit mula sa mga ulap at nakita nya ang kanyang minamahal. Tinangong niya ito kung ano ang ginagawa niya sa lupa. Tumingala lang si Alunsina. Sinabi nito na lumikha din siya ng mga bagay tulad ng bundok, langit, at karagatan. 
Dahil dito, nasaktan si Tungkung langit. Mula noon, di na bumalik si Alunsina sa kalangitan. Paminsan minsan ay sinusubok ni Tungkung Langit na pabalikin si Alunsina sa pamamagitan ng paglikha ng kulog at kidlat ngunit hindi na ito nagbalik. 
At upang mabisita ni Tungkung Langit ang kanyang asawa, kailangan nitong mag-anyong ulan. Ulan na magibigay buhay sa likha ng kanyang minamahal.
22 4 22