Answers

2016-07-07T10:24:55+08:00
Lubos na nakakaapekto sa isang magaaral ang kahirapan. Papasok sa eskwela na walang baon, maglalakbay patungong paaralan ng naglalakad (kung minsan pa'y nakapaa), uupo sa klase na walang lapis at papel, hindi maka-focus sa aralin dahil kumakalam ang sikmura. Mapapalad pa nga kung ituring ang mga ganitong uri kumapara sa iba na hindi nabigyan ng pagkakataong makatungtong sa paaralan. Bakit? Dahil pa rin kahirapan. Mas pinipili nilang maghanap buhay sa murang edad at isantabo ang kanilang sariling mga pangarap. Hindi basta-basta ang pinagdadaanan ng mga kapwa natin magaaaral na dumaranas ng ganitong sitwasyon. Hangga't maaari subukan natin silang intindihin at suportahan. Kaya kayong mga tinatamad na magaral, magisip isip muna kayo bago kayo magmaktol. Mas mapalad kayo sa halos ilang libong batang nangangarap makapagtapos. Huwag sayangin ang pagkakataon.
0