Answers

2016-07-07T19:39:38+08:00
"TILA AKO SI BIDASARI"

Tila ako si Bidasari —
Patay sa araw, buhay sa gabi:
Naghihintay kay Sultan Mogindra
Na sa buhay ko’y ikaw;
Naghihintay ng maalat na halik
Na isisiil mo sa dagat na dibdib
Upang ibangon ako
Sa masasamyong panaginip.

Laon,
Laon na,
Laon na ngang ika’y naghihintay
Sa mga hubad na paang iyong idadantay
Upang muli’t muli’y iyong mapakislot
Ang kiliti kong natutulog
Sa balakang at batok.

Ay, dilim lamang ang aking kaibigan,
Ang karagatang lalanguyan
Ng gintong isda nga aking pagnanasa.
Kaya’t doon
Doon mo iamba
Ang salakab ng dudupil
Sa mala’y kot pagkamulat.
Lambat mo’y ihagis,
Ihain ang bitag,
Lamayin ako sa iyong magdamag.


0