Answers

2016-07-08T13:40:10+08:00

Noong unang panahon, ang mag-inang Mara at Karim ay naninirahan sa isang nayon malapit sa gubat,Si Karim ay sampung taong gulang na at ito'y may kakaibang ugali.Sutil siya,matakaw,maninira,mang-uumit ano mang bagay ang kanyang mahawakan ay nasisira matapos butingtingin.Kahit gaanong karaming pagkain ang itago ng kanyang ina ay inuumit niya at inuubos niya.Si Karim ay maharut,magulang at may katusuhan.Iniiwasan siya ng mga bata.Madalas makikita mo siyang nasa taas ng puno na may kinakain na saging at mabulo.
Dahil sa nag-iisang anak ,Kahit anoman gawin ni Karim'y mahal pa rin siya ng ina,ang katunayan si Mara lang ang gumagawa sa loob ng bahay.Si Karim ay hindi niya nauutusan dahil maghapon siyang wala.Naroon siya sa bakuran ,kundi naman ay sa loob ng gubat at naglalambitin sa baging.Si Karim ay kinamumuhian ng kanilang mga kanayon dahil puro kabuwisitan ang ginagawa niya.May nagsasabing inuubos daw ni Karim ang kanilang saging.May nagsumbong na kinagat at kinalmot ni Karim ang kanyang anak.
Isang araw,si Mara ay nagtungo sa kaingin upang humukay ng kamote.Bago siya umalis ay pinagbilinan ang anak na magsaing ng kanilang pananghalian."Huwag mong lalakasan ang apoy,mahirap na ang masunugan."bilin ng ina.Pag-alis ng ina"y nagsaing na si Karim.Habang binabantayan ang iniluluto,siya'y nakatulog. Nasunog ang kanin.Isang kapirasong gatong ang natikwas at nalaglag sa sahig at ito'y nagliyab at nagsimulang masunog ang bahay.Nagising si Karim at tumakbo patungo sa loob ng gubat.Hindi makapaniwala si Mara ng makita ang nangyari sa bahay.Nagtungo siya sa gubat at talagang wala si Karim.Sa matinding galit ay naisumpa niya ang anak."Karim,dahil sa kasamaan mo'y isinusumpa kita!sanay maging isang hayop ka ."Samantala'y unti-unti nagbago ang anyo ni Karim.Ang buong katawan niya'y tinubuan ng mahahabang balahibo,At nagkaroon siya ng buntot.Pagkalipas ng ilang oras ay nagising si Mara at laking gulat niya ng makita niyang isa nang matsing si Karim.Nagsisi at napaluha siya subalit huli na ang lahat.
0