Answers

2016-07-09T13:45:08+08:00
May dalawang uri ng droga, ang droga na nagbibigay lunas sa atin tuwing may sakit o karamdaman at ang droga na ginagamit ng mga kabataan ngayon kung saan sila ay napapariwara o naliligaw ng landas.

Ang mga bawal na droga o gamot ang sumisira ng ating kinabukasan kaya nararapat lamang na bigyang pansin ng mga magulang ang kanilang mga anak sapagkat problema sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkakalulong sa droga. Ang mga bisyong ito ay nakakasama sa kalusugan kung saan pangunahing problema sa ating bansa. Marami nang nahuli at napatay dahil sa paggamit ng pinagbabawal na gamot. Kung gusto natin magkaroon ng magandang kinabukasan, ang susi nito ay pagsisikap at pag-aaral ng mabuti, hindi ang pagkalulong sa anumang bisyo.
0