Answers

2016-07-09T17:44:31+08:00
Isipin naman ang kinabukasan. Karamihan sa mga tao ngayon ay nakatingin lang sa inaapakan, subukan nating tanawin ang dulo ng kalsada. Mas mabuti siguro kung ngayon palang ay paghahandaan na natin ang para sa bukas, hindi lang naman tayo ang mabubuhay sa mundo , hindi ba? Ang problema sa atin, sarili lang ang iniisip. Walang pakialam sa maaaring idulot nito sa susunod na henerasyon. Huwag tayong maging madamot, kung ano ang natatamasa natin ngayon ay dapat pagyamanin. Para sa kinabukasan ng lahat.
0