Answers

2016-07-09T20:35:41+08:00
Ang Anapora at Katapora ay ginagamit upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng mga pangngalan o mga salitang ginagamit sa pagpapahayag. 

Anapora - mga panghalip na ginagamit sa dulo ng isang pangungusap/talata bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap/talata.

Halimbawa: Si Blaire ay ipinanganak sa isang siyudad. Siya ay masasabing city girl.

Katapora - mga panghalip na ginagamit sa unahan ng isang pangungusap/talata bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.

Halimbawa: Siya ay namumuhay ng simple. Ito ang prinsipyo sa buhay ni Ronan.
1 5 1