Answers

2016-07-10T18:50:45+08:00
Ang neanderthal ay isang hindi na umiiral ngayong espesye o subespesye sa loob ng henus na Homo at malapit na nauugnay sa mga Homo sapiens(modernong tao). Ang mga ito ay alam mula sa mga specimen ng fossil na may petsa sa panahong Pleistocene at natagpuan sa Europa at sa mga bahagi ng kanluaran at sentral na Asya. Ang terminong Neanderthal na pagpapaikli ng taong Neanderthal ay minsang binabaybay na Neandertal na modernong baybay ng Lambak na Neander sa Alemanya kung saan ang espesyeng ito ay unang natuklasan. Ang mga Neanderthal ay alternatibong inuuri bilang isang subespesye ng Homo sapiens(Homo sapiens neanderthalensis) o bilang isang hiwalay na espesye ng Homo (Homo neanderthalensis)
0