Answers

2016-07-12T19:30:22+08:00


Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa mga magkakaibang indibidwal at grupo. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang magkakaibang kultura. Dito ngayon lalabas ang tatlong anyo ng wika, ang idyolek, dayalek, at sosyolek.
B. Teorya ng akomodasyon:
Tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang linguistic convergence at linguistic divergence, Ang mga ito’y mga teorya mula sa SLA (second language acquisition). Tinatalakay ang teoryang ito Sa linguistic convergence sinasabin na nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-palagayang-loob, pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic divergence sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kaya’y lalong pagigiit sa sariling kakayahan at identidad.
Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbaw, ang Taglish, Singlish, o kaya Malay English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang nagging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin.

Reactions: 9 comments:Anonymous said...sUre nii cia ?June 20, 2012 at 2:31 AMAnonymous said...I CANT FIND WHAT IM LOOKING FOR .. pagdargdag at panghihiram ng salita .. GOSH >.<June 28, 2012 at 2:25 PMj12 said...helpful =)tnxSeptember 10, 2012 at 10:23 AMapple datahan said...Thank You very much :DJuly 3, 2013 at 9:23 AMAnonymous said...bakit dalawa lang ?June 21, 2014 at 2:07 PMAnonymous said...Thank you so MUCH!! I will tell my friends to support this. Now, I had finished my HomeWork! Thanks a Lot :)July 7, 2014 at 2:43 PMChaddie said...YES!!! may report na ako!!!! :)July 30, 2014 at 9:05 AMAnonymous said...thanks a lot xxAugust 23, 2015 at 4:17 PMAnonymous said...helpful siya but bakit walang taon kung kailan sinabi o quote yaon? pero okay din naman. thank youFebruary 5, 2016 at 2:44 PM

Post a Comment

Links to this post

Create a Link

Newer PostOlder PostHomeHanapin Mo DItoLoading...Mga Nilalaman

Paramihin | Pauntiin

 Mga HinahanapAlfabetong FilipinoAwiting BayanKayarian ng mga SalitaIba’t Ibang PagpapahayagTalasalitaanTuntunin sa PagsusulatPananalitaPangungusapPanitikanPantig at PagpapantigPananaliksikPomenaWastong GamitWikaFacebook FollowersMga NakapansinAng Oras AyTungkol Sa AkinBOKALSVIEW MY COMPLETE PROFILE 
0