Answers

2016-07-11T17:25:08+08:00
Matutunghayan sa Kanlurang Asya ay ang Northern Tier, Arabian Peninsula, at Fertile Crescent. Saklaw ng Northern Tier ang mga lupain ng Turkey at Iran na Rehiyon ng Kabundukan at talampas. Sa kanlurang bahagi nito ay ang Anatolian Plateau na may matabang lupang maaaring tamnan.
Ang Arabian Peninsula naman ay isang malawak na tangway na pinalibutan ng iba’t ibang anyong tubig. Kabilang sa mga ito ay ang Red Sea, Arabian Sea, at Peninsula Gulf. Kahit malawak ang lupaing ito, ang Arabian Peninsula ay nagtataglay lamang ng maliit populasyon. Ito ay sa kadahilanang salat sa tubig ang lupaing ito  sapagkat ang malaking bahagi nito ay disyerto. Ang mga tao rito ay naninirahan malapit sa mga oasis. Ito  ay isang lugar sa disyertong nagtataglay ng matabang lupa at tubig na maaaring makabuhay ng mga halaman at hayop.

Isa pang bahagi ng kanlurang Asya ay ang tinatawag na Fertile Crescent. Ang lupaing ito ay nagsisimula sa silangang bahagi ng Medeterranean patungo sa Tigris-Euprates Rivers hanggang sa Persian Gulf. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng matabang lupa at saganang supply ng tubig. Dahil ditto, ang lugar na ito ay pinag-uusbungan ng kauna-unahang kabihasnan sa daigdig, ang Mesopotamia.
0