Answers

2016-07-15T13:08:29+08:00
Merkado o market[baguhin | baguhin ang batayan]

Hindi pamilihan ang tinutukoy na Market sa pamimili Management.

Ang Merkado o Market ay isang grupo ng mga mamimili na hindi nagkakaiba ang mga ninanais at pangangailangan na napapaloob sa isang natatanging lugar. Ang mga "Babae sa Pilipinas" ay isang market na naiiba sa mga "Babae sa Tsina".

Naiiba ang merkado na "mga babae sa Pilipinas" at "mga babae sa Tsina" dahil may malaking pagkakaiba sa pangangailangan nila. Ang market ng sabon na "Safeguard" ay naiiba sa merkado ng "Likas Papaya" dahil ang "Safeguard" ay tumutugon sa kabuuang pangangailangan ng pamilya laban sa germs na dulot ng hindi paggamit ng sabon sa pagligo man o paghugas ng kamay. Ang "Likas Papaya" naman ay tumutugon sa pangangailangan ng mga babaeng ninanais na pumuti ang kanilang kutis mula ulo hanggang paa. Makikita nating pareho silang sabon na may kakayahang tumanggal ng libag sa katawan,ngunit may kanya-kanya silang merkado o market na binibigyan ng pansin.

PamimiliMula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedyaPara sa ibang gamit ng pamimili, puntahan ang pamimili (paglilinaw).

Ang pamimili ay isang pamamaraan ng pagpapahayag ng halaga ng isang bagay o serbisyo sa mga mamimili upang maibenta ang nasabing produkto o serbisyo. Isa sa mga pinakaluma, simple at natural na paraan ay ang pananalita, kung saan ang mga mamimili ay nagpapahayag ng kanilang mga karanasan tungkol sa mga produkto o serbisyo at ito'y napapasa sa kanilang pang araw-araw na komunikasyon. Ito ay pwedeng magdulot ng positibo o negatibong tingin sa mga produkto o serbisyong inihahayag. Kamakailan lang, ang internet ay nakapagbigay daan para sa malawakang pananalitang pamimili kung saan ang mga mamimili ay nagbibigay ng grado at opinyon sa mga produkto at serbisyo.

Para sa mga organisasyong gustong kumita, ginagawa ang pamimili upang lumakas ang benta ng mga produkto at palakasin ang kita ng kompanya. Sa pamimili na hindi pagkita ang layunin, ang pinakapakay nito'y mas magamit ng tao ang serbisyo ng kumpanya. Ang gobyerno naman ay gumagamit ng panlipunang pamimili para mamahagi ng mga importanteng mensahe tungkol sa kaligtasan ng mga tao. Para sa mga kumpanyang gustong kumita, ang pamimili ay madalas sinusuportahan ang na nagbebenta sa pamamagitan ng pagkakalat ng impormasyon sa mga tinatarget na mamimili.

Kasama sa mga pamamaraan ng pagmamarket ay paghahanap ng tamang mamimili sa pamamagitan ng pagaanalisa ng merkado at ang paguunawa sa mga kaugalian ng mga mamimili at ang pagpapakita ng halaga ng mga produkto.

Mga nilalaman  [ipakita] 

Pamamahala sa pamilihan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang "pamamahala sa pamilihan" ay ang pagplano at pagpapalakad ng isang proyektong pamprodukto o serbisyo upang tumugon sa mga hinihingi (demands) at pangangailangan (needs) ng isang pamilihan. Ginagamitan ito ng mga estratehiya, batas at gabay na tumutulong sa pagpapaunlad ng isang negosyo.

May apat itong konseptong natatangi. Ito ang "Proyektong Pamprodukto at Serbisyo", "Hinihingi (Demands)", "Pangangailangan (Needs)" at "Merkado".

Proyektong pamprodukto at serbisyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Tiyak na namamahagi ng produkto at/o serbisyo ang isang negosyo kapalit ng pera. Sa pamamahagi ng mga produkto at serbisyo, dapat bigyan nang pansin ng isang negosyante o manedyer ang apat na "P" sa pamimili. Nariyan ang:

1. Produkto (Product)2. Presyo (Price)3. Pagmamahagi (Distribution/Placement)4. Pagpapalaganap (Promotion)
0