Answers

2016-07-11T22:20:03+08:00
Ang mga simulain ng digmaan (ayon sa Iliad) ay ang kasal ni Haring Peleus at ng nereid (nimpa ng dagat) na si Thetis. Inanyayahan nila ang halos lahat ng mga diyos para sa kanilang kasal. Subalit hindi nilan inimbitahan si Eris, ang diyos ng sigalutan. Nagalit si Eris at naghagis siya ng isang gintong mansanas sa piling ng mga panauhin kung saan nakasulat ang "Para sa Pinakamaganda". Nasalo ng mga diyosang sina Hera, Athena, at Aphrodite nang magkakasabay at nag-away hinggil sa king sino ang pinakamaganda sa kanilang tatlo. Nag-alok ang bawat isa sa tatlong mga diyos nang mga handog para kay Paris upang makapamili mula sa kanila ang hinandugan. Inalok ni Hera ang lahat ng Asya.
0