Answers

2016-07-18T16:30:52+08:00
Ang Timog Silangang Asya (Ingles: Southeast Asia, na kadalasang pinapaikli bilang SEA) ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang nasa katimugang Tsina, silangan ng Indiya at hilaga ng Australya.Ang klima sa rehiyon ay karaniwang tropikal,mainit at mahalumigmig sa loob ng isang buong taon. Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ang mga arkong pulo at mga kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa kalupaang Asyano ay kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at ang Vietnam; ang populasyon ay pangunahing binubuo ng mga Tibeto-Burmano, mga Tai, at mga Austroasiatiko; ang pinakamalaking relihiyon ay Budhismo, na sinundan ng Islam, at Kristiyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng Brunei, Silangang Timor,[1], Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama ang Taiwan sa hilaga. Ang mga Austronesiano ang dominante sa rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na sinundan ng Kristiyanismo.
2 5 2