Answers

2016-07-12T21:36:27+08:00
May dalawang uri ng pangngalan. Ang pantangi, at pambalana. Ang mga pantanging pangngalan ay tumutukoy sa mga tiyak na ngalan ng tao, hayop, pook, pangyayari,. Karaniwan silang isinusulat sa malaking titik. Samatanalang ang mga pabalana naman ay hindi tiyak at isinusulat sa maliit na titik.

Halimbawa ng mga pangngalang pambalana

Ngalan ng Tao
1. duktor
2. ina
3. pulis
4. guro
5. kapatid

Ngalan ng Hayop
1. aso
2. pusa
3. ibon
4. isda
5, ahas

Ngalan ng pook
1. paaralan
2. simbahan
3. ospital
4. tindahan
5. parke

Ngalan ng Bagay
 
1. lapis
 2. kompyuter
3. cellphone
4. app
5. libro

Halimbawa ng mga pangngalang pantangi

Ngalan ng Tao
1. Dr. Edmund Mann
2. Nanay Sita
3. PO3 Juan Dizon
4. Gng. Elenita Pangan
5. Boyet

Ngalan ng Hayop
1. German Shepherd
2. Siamese Cat
3. Philippine Eagle
4. Bangus
5, King Cobra

Ngalan ng pook
1. Unibersidad ng Assumption
2. San Fernando Cathedral
3. Ospital ng Maynila
4. SM Supermarket
5. Rizal Park

Ngalan ng Bagay
 
1. Mongol Pencil
 2. MacBook Pro
3. Samsung S5
4. Brainly
5. Noli Me Tangere
0