Answers

2015-08-22T11:34:01+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Halimbawa ng isang Liham Pangkaibigan  

54 Matatag St. Purok 6,
Malolos, Bulacan
Ika-20 ng Hunyo, 2008

Mahal kong Narishka,  

             Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi nagkitamula ng lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan sa inyong bahay para makibalita sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa iyo.Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong kaarawan. Salamat athindi ka pa rin nakakalimot sa akin at maganda nating pagkakaibigan.Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na pasukan.Wala kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna silang tulungan parasa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala, may trabaho na ako bilangisang kahera dito sa atin. Maliit lang ang sweldo pero nakakasapat na rin kahiut papano atnakakatulong din sa aming pamilya.Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo naman ako pagnakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.     

Nagmamahal na kaibigan,
 Airine  

23 3 23