Answers

2016-07-13T10:30:32+08:00
Oo dahil Ang tropiko o mga bansa na tropiko ay ang heograpikong rehiyon sa Lupa o "earth" na naka-sentro sa ekwador o "equator". Nililimitahan ito sa latitud ng dalawang tropiko: ang Tropiko ng Cancer sa hilaga at ang Tropiko ng Capricorn sa timog na hemisperyo. Ito ay nagmula sa salitang griyego na tropos, na ang ibig sabihin ay bwelta o pag-ikot.

Ang rehiyong ito ay nakalatag sa pagitan ng 23.5° H latitud at 23.5° T latitud, at kasama dito ang lahat ng parte ng Lupa na direktang tinatamaan ng araw(o kung saan naka-anggulong 90° altitud ang araw mula sa lupa) nang maski isang beses lang sa isang taong solar (hindi nagagawa ito ng araw lampas hilaga ng Tropiko ng Cancer at lampas timog ng Tropiko ng Capricorn). Sa panukalang klasipikasyon ng klima ni Köppen, ang klimang tropikal ay nilalarawan bilang isang klimang hindi-arid, na ang lahat sa labindalawang buwan ng taon ay may promedyong temperaturang hindi bababa sa 18 °C.

0