Answers

2016-07-13T11:00:19+08:00
Nagmula sila sa Timog-silangang Asya. Mapuputi sila at balingkinitan ang pangangatawan, matangkad kaysa sa mga negrito, makitid ang mukha, malapad ang noo, malalim ang mga mata at matangos ang ilong. Dumating sila sa Pilipinas may 5,000 hanggang 6,000 taon na nakakalipas. Mas maganda at makabago ang kanilang kalinangan at pamumuhay. Ang kanilang mga pabilog na bahay ay yari sa kahoy at may bubong na yari sa damo o talahib. Ang mga bahay nila ay nakatayo sa lupa o di kaya'y nakahukay sa lupa na may isang metro ang lalim. Ang iba naman ay nasa tuktok na punungkahoy ang bahay. Namuhay sila sa pamamagitan ng pamamana, pangingisda at pagkakaingin. Binubungkal nila ang lupa at nagtatanim ng tugi at milet. Niluluto nila ang kanilang mga pagkain. Ang kanilang kagamitan tulad ng pinggan ay yari sa dahon. Sila ang mga unang pangkat ng mga Indones. Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga Ilongot ng Sierra Madre at ng Caraballo.



7 1 7