Answers

2016-07-13T10:55:58+08:00

Ang Kazakhstan (bigkas: /ka•zaks•tán/;[* 1] Kazakh: Қазақстан, Qazaqstan; Russian: Казахстан), na opisyal na tinutukoy naRepublika ng Kazakhstan ay isang transkontinental na bansa sa Gitnang Asya. Sa sukat nitong 2,727,300 kilometro kuwadrado, na higit pa sa lawak ng Kanlurang Europa, ito ang ika-9 na bansa na may pinakamalaking lupain at pinakamalaki naman sa mga bansang looban o lubos na napapalibutan ng kalupaan ang mga hangganan.[1][2] Kahangganan nito, mula hilaga paikot sa kanan, ang Russia, China, Kyrgyzstan, Uzbekistan at Turkmenistan, at malaking bahagi naman ng baybayin ng Dagat Caspian ang nasa sa timog-kanluran nito. Kahit hindi nito kahangganan ang Mongolia, may layong 38 kilometro lamang ito mula ang dulong silangan ng Kazakhstan. Binubuo ng mga kapatagan, kaparangan, taiga, kanyon, burol, sabangan at mga kabundukang may niyebe sa tuktok, hanggang sa mga disyerto ang lupain ng bansa. Sa populasyong nitong 16.6 milyong katao, ang Kazakhstan ay ang ika-62 may pinakamalaking populasyon sa mundo, ngunit 6 na katao lang ang naninirahan sa bawat kilometro kuwadrado ng bansa. Ang kabisera nito ay inilipat noong 1998 sa Astana, ang pinakamalaking lungsod ng Kazakhstan, mula sa Almaty.

Sa malaking bahagi ng moderno nitong kasaysayan, iba't-ibang tribong lagalag ang nanirahan sa teritoryong nasasakupan ng Kazakhstan. Noong ika-16 na siglo, nanaig ang mga Kazakh bilang isang natatanging pangkat, na nahahati sa tatlong Juz. Nagsimulang dumating ang mga Russian sa mga kaparangan ng Kazakhstan noong ika-18 siglo, at noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo ang kabuuan ng bansa ay naging bahagi na ng Imperyong Russian. Pagkaraan ng Rebolusyon sa Russia noong 1917 at ang sumunod pang digmaang-sibil, ilang-ulit na isinaayos ang teritoryo ng Kazakhstan bago ito naging Kazakh Soviet Socialist Republicnoong 1936, na bahagi ng USSR.

Ang Kazakhstan ang huli sa mga republikang Soviet na nagpahayag ng kasarinlan nito noong Disyembre 16, 1991. Si Nursultan Nazarbayev ang lider nito noong kapanuhunan ng komunismo, ang naging una at hanggang sa ngayo'y pangulo ng bansa. Pinananatili ni Nazarbayev ang mahigpit na kontrol sa politika ng bansa. Mula noong kasarinlan, nagsulong ang Kazakhstan ng balanseng polisiyang panlabas at nagsasagawa ng paraan upang mapaunlad ang ekonomiya, lalo na ang industriya nghydrocarbon.[4] Matapos ang panahong Soviet, nakakitaan ng aktibong pakikilahok ang bansa sa mga samahang internasyonal, kasama na rito ang United Nations, Euro-Atlantic Partnership Council, Commonwealth of Independent States at Shanghai Cooperation Organisation. Isa ang Kazakhstan sa anim na mga bansang dating bahagi ng USSR na may ugnayan sa NATO na nagpapatupad ng Individual Partnership Action Plan.

Dahil na rin sa malawakang pagpapatapon sa Kazakhstan ng iba't-ibang grupong etniko noong pamumuno ni Stalin, naghalo-halo ang iba't-ibang kultura at etniko sa bansa. Ang 16.6 milyong populasyon nito ay may 131 etnisidad, kasama rito ang Kazakh,Russian, Uyghur, Ukrainian, Uzbek, Tatar, at German. Nasa 63 porsiyento ng populasyon ang Kazakh. Pinahihintulutan sa Kazakhstan ang kalayaan sa pananampalataya at maraming relihiyon ang matatagpuan sa bansa. Islam ang pangunahing panampalataya sa Kazakhstan ng 70 porsiyento ng mamamayan nito, habang malaking bahagi naman ng natitira ay Kristiyanismo. Ang wikang Kazakh ay ang wikang pambansa, samantala opisyal na wika rin ang Russian na kapantay ng Kazakh sa mga pampublikong institusyon.


kumpleto na po yan 

1 5 1