Answers

2016-07-13T16:11:14+08:00

Ang First 1000 Days ay nag-uumpisa mula unang araw ng pagbubuntis ng isang babae hanggang sa ikalawang birthday ng bata. Sa panahong ito, mabilis ang paglaki ng isang bata at kailangan niya ng sapat na dami ng iba’t ibang sustansiya upang suportahan ang kanyang paglaki at pag-develop. Kung may kakulangan sa nutrisyon sa First 1000 Days, maaaring magdulot ito ng permanente at irreversible damage na stunting, o ang kondisyon kung saan mababa ang height ng isang bata para sa kanyang edad, o mas kilala natin sa tawag na pagiging bansot. Kapag sinabi natin na irreversible, ibig sabihin ay hindi na maaaring mabawi – dala-dala na ng bata ang pagkabansot hanggang sa pagtanda. Ang mga bansot na bata ay nababawasan ng kanilang talino at potensyal para maging produktibo sa kanilang pagtanda. Dagdag din ang panganib na magkaroon ng noncommunicable diseases tulad ng sakit sa puso, kanser at dyabetis.

Sa buong mundo, tinatayang 162 milyong bata ang stunted o bansot; at sa Pilipinas, mula sa pinakahuling datos ng National Nutrition Survey ay 33.4% o isa sa tatlong batang may edad 0-5 years old ang bansot. Noong 2012, pinagkasunduan ng World Health Assembly, kung saan kabilang ang Pilipinas, ang Six Global Nutrition Targets at isa sa mga layunin nito ay sa taong 2025, dapat magkaroon ng 40% na pagbaba sa dami ng mga batang 0-5 years old na bansot. Ibig sabihin, sa taong 2025, dapat ay 20% na lamang ang dami ng mga batang 0-5 years old na bansot sa ating bansa o dalawa sa bawat sampung bata. Isa ang target na ito sa mga kailangan upang makamit natin ang Goal 2 ng Sustainable Development sa 2030 na “end hunger, achieve food security and improved nutrition and promote sustainable agriculture”. 

2 3 2