Answers

2016-07-24T19:23:34+08:00
Salumpuwit- upuan

Halimbawa: Parating nakaupo si Lolo Minyong sa salumpuwit na ito.

Talipandas- Makapal ang mukha

Halimbawa: Ang mga talipandas ay pumupunta sa handaan kahit hindi iniimbita.

Katoto- kaibigan

Halimbawa: Ang katoto niya ay namatay.

Durungawan- bintana

Halimbawa: Parating nakadungaw si Juliet sa durungawan tuwing gabi.

Tsubibo- ferris-wheel

Halimbawa: Nais kong makasakay sa tsubibo ngayong pista.

Salipawapaw- eroplano

Halimbawa: Salipawpaw ang kanyang sinakyan patungong Maynila.

Batalan- hugasan

Halimbawa: Batalan ang madalas  na ginamit n gating mga ninuno noon sa kanilang ga tahanan.

Pitak- bahagi

Halimbawa: Ang bawat pitak ng kaniyang pagkatao ay dapat nating malaman.

Nanunudyo- temtasyon

Halimbawa: Nanunudyo ang kompyuter sa aking pag-aaral.

Piging- party

Halimbawa: May piging mamaya sa paaralan.

Kubyertos- kutsara o tinidor

Halimbawa: Ang mga kubyertos ay dapat nang hugasan.

Katipan- syota

Halimbawa: Ang katipan ni kuya ay mabait.

Balintataw- imahinasyon

Halimbawa: Malikot ang balintataw ng batang matalino.

Punyal- itak

Halimbawa: Punyal ang kanyang ginamit sa pagpatay kay Romeo.

Tipanan- lugar kung saan sila nagtatagpo

Halimbawa: Madalas silang pumupunta sa kanilang tipanan.

Alipugha- iresponsable

Halimbawa: Ang mga nag-iisang anak ay minsa’y lumalaking alibugha.

Mapaniil- abusado

Halimbawa: Ang mga Espanyol noong unang panahon ay mapaniil.

Pook-sapot- website

Halimbawa: Matatagpuan mo ang mga salitang ito sa pook-sapot na Wikipedia.

Talaksan- papeles

Halimbawa: Mahalaga ang mga talaksan na nakatago ditto.

Miktinig- microphone

Halimbawa: Kinakailangan natin ang miktinig ngayon para tayo’y marinig.

Hope you enjoy! ^_^
0