Answers

2016-07-18T16:31:49+08:00
Transcript of KULTURA SA TIMOG-SILANGANG ASYA Malaking bahagi ng populasyon sa rehiyon ay mula sa Tsino. Kaya sila sumusunod sa Confucianismo o Taoismo. Sa Malay Peninsula naman matatagpuan ang karamihan sa mga yumakap sa Islam. Dala ito ng mga mangangalakal ng Muslim. Ang isang popular na templo ay ang Ankor Wat na itinayo ng isang Haring Khmer. Mga tela mula sa piña ang ipinagmamalaki ng Pilipinas. Daan-daang wika at diyalekto ang ginagamit sa rehiyon. Ang mga wikang ito ay nagmula sa tatlong sangay: - Malayo-Polynesian - Sino-Tibetan - Mon-Khmer KULTURA SA TIMOG-SILANGANG ASYA Ang kultura ng rehiyon ay sumasalamin sa paglipat ng mga tao mula sa ibang rehiyon. Malaki ang impluwensiya ng mga pangunahing relihiyon sa mundo sa rehiyong ito. Sa larangan ng sining, malaki ang bahagi ng sinaunang sibilisasyon ng India. Sa bandang huli, patuloy ang impluwensiya ng mga estilong dayuhan sa sining ng Timog-silangang Asya. WIKA Karamihan sa mga diyalekto ay resulta ng migrasyon at kolonyalismo sa rehiyon tulad ng sumusunod: PILIPINAS - Ingles - Pilipino - ilang Spanish SINGAPORE - Chinese - Malay - Tami - Ingles MALAYSIA - Ingles - Malay VIETNAM - Ingles - Pranses Chinese - Ruso RELIHIYON Kumalat ang Budismo sa rehiyon noong mga 400BCE. Ang karamihan ng mga tagasunod ay mula sa IndoTsina. Karamihan sa mga tao sa Pilipinas ay mga Roman Katoliko na napapasailalim sa Espanya sa loob ng mahigit tatlong daang taon. Sa ilang bulubunduking lugar, sinusunod nila ang tradisyonal na relihiyon batay sa animismo. SINING Inspirasyon ng rehiyon ang arkitektura ng Budismo at Hinduismo. Matatagpuan sa rehiyon ang maraming templo at pagoda. Ang ilang sinaunang estruktura ay yari sa bato. Ang mga bibihirang bato at tisa ay inilaan sa mga estrukturang para sa Diyos. Karamihan sa mga gusali ay yari sa kahoy. Noong 800 BCE, naitayo ang isang templo sa isla ng Java sa Indonesia na tinawag na Borobodur. May mga adorning bato na inukitan ng mga paniniwala sa Budismo. Ang Myanmar at Vietnam ay nakilala sa kanilang lacquer ware. Naggagandahang batik naman ang makikita sa Indonesia at Malaysia.
0