Answers

2016-03-02T14:16:50+08:00
Alamat ni Tungkung Langit
Tungkung Langit at Alunsina, sila ang unang lalake at babae sa daigdig at ang pinag-ugatan ng buhay. Nabighani silang dalawa sa kanilang kakisigan at kagandahan at sa bawat pagsikat at paglubog ng araw ay natutuhan nilang mahalin ang isa’t-isa.  Nagkaisang dibdib sila at nagsama bilang magkabiyak. Si Tungkung Langit bilang lalake, siya ang nagtatrabaho at gumagawa ng mga mabibigat na gawain. At si Alunsina bilang babae, siya ang naiiwan sa kanilang tahanan. At kaya hindi niya  maiwasan na mainip na nagdulot naman sa pagtatalo nila dahil ayaw siyang payagan ni  Tungkung Langit na tumulong kahit na magkaparehas lang silang bathala na may  kapangyarihan. Ngunit umiral parin ang pagmamahalan nila sa isa’t-isa. Isang araw  nagpaalam si Tungkung Langit kay Alunsina na matagal siyang mamawala at meron  lang siyang tatapusin. Nagmamadaling umalis si Tungkung Langit na parang mas  importante pa sa kanya ang pupuntahan niya kaya nanghinala si Alunsina at sinundan  niya ito. Natunugan siya ni Tungkung Lahit at nagalit sa kanya. At sa sobrang galit, inagaw niya ang kanyang kapangyarihan at pinagtabuyan palabas sa kanilang tahanan. 
Nilisan ni Alunsina ang kanilang tahanan ng walang anumang mahalagang bagay. Hubad siya nang una silang magkita at hubad rin siya ng sila’y maghiwalay. At ng matagal na siyang hindi nagbalik sa kanilang tahanan ay nabalitaan niya ang pangungulila ni Tungkung Langit sa kanyang yakap at halik at sa bawat sandali na magkasama sila. Ginawa lahat ni Tungkung Langit ang makakaya ng kanyang kapangyarihan upang mapabalik siya sa kanyang piling ngunit kahit anong pagsuyo niya ay tinatanggihan at hindi pinapansin. Nagdalamhati si Tungkung Langit sa nadama niyang pangungulila at mamuhay nang mag-isa na hindi kasama si Alunsina. Lumuha nang lumuha si Tungkung Langit, at ang kaniyang pagluha ay nagdulot sa unang pagkakataon ng pag-ulan. Kapag siya’y humahagulgol, nagbubunga iyon ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. Hindi man lang nalaman at nasilayan ni Tungkung Langit ang magiging supling nila ni Alunsina at ang pagiging isang pamilya nila.
26 4 26