Answers

2016-07-14T17:03:42+08:00

Matapos kung basahin ang isinulat ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere, akoy napa-isip at 
napag-isipan ko na madalas sa nilalaman ng Noli Me Tangere ay tungkol sa Pag-ibig, ditto mo mababasa at 
malalaman kung ano ang pag-ibig ng ina sa anak, pag-ibig ng lalaki sa babae ay kung ano pa. Dito mo rin 
mababasa kung ano merong gobyerno tayu noon, kung paano bulagin ng pera ang mga katotohanan, kung 
paano nakakabili ang salapi ng kabanalan, at marami pang masasamang gawain. Dito mo mababasa kung 
gaano kamakapangyarihan ang pag-ibig, na kahit malayo man kayu sa isat-isa at kung tuna yang inyong 
pag-iibigan ay hindi ito mawawala at mananatili ang inyongpag-iibigan tulad ni Maria Clara at Crisostomo 
Ibarra na kahit si Ibarra ay nasa ibang bansa nagawa paring ibigin ni Maria Clara at walang sinumang 
makakapigil sa kanya. Mababasa mo rin dito kung gaano ka halaga ang pag-ibig ng ina sa anak. Tulad ng 
pag-ibig ina nina Crispin at Basillio sa kanila, na handang gawin ng isang ina ang lahat-lahat kahit siyay 
pahirapan, magutom, masktan bastat malaman niya lang na maganda ang sitwasyon ng kanyang mga anak.
Napakahalaga sa isang pamilya ang pag-iibigan, dahil ang pag-ibig ay nagpapalakas sa atin, na kahit anong 
problema, pagsubok ang ating salubungin ay malalampasan natin ito kung tayoy nag-iibigan ng tunay. 
Sadjang makapangyarihan ang pag-ibig, dahil kaya nitong baguhin an gating pagkatao, bigyang kulay ang 
malungkot nating buhay, matutubab din nating magsakripsiyo makamit lamang ang pag-ibig na inaasam,
kahit anong pagsubok sa atin ng tadhana ay malalampasan natin ito bastat tunay ang iyong pag-ibig.
Ngunit minsan ang pag-ibig ay nagdadala sa atin sa kapahamakan tulad ng paghihigante, pagpatay at 
marami pang iba. Marami sa uri ng pag-ibig mababasa mo sa Noli Me Tangere ngunit ang isa sa 
pinakamahalagang samsamin na pag-ibig ng mga Pilipino ay ang pag-ibig sa Bayan Love our Own
Country, muslim ka man o kristiyano ay dapat mong mahalin ang iyong bayang sinilanga. Dahil kung
kinakahiya mo ang iyong pinanggalingan mas malansa ka pa sa malansang isda ang tingin sa iyo ng 
ibang tao. Pag-ibig kaya ring bilhin ng salapi, ngunit ang pag-ibig na nabibili ng salapi ay hindi tunay at 
iyon ay panlabas na anyo lamang ng pag-ibig. Nabasa ko rin ditto na ang pera ang umiikot sa ating 
Lipunan noon, kung wala kang pera lahat ng sasabihin moy mali kahit na yung ninanais mo ay para sa 
iyong Lipunan at kung marami kang pera lahat ng sasabihin moy tama at itoy pakikinggan pa ng ating
pamahalaan, kung minsan pa ngay nagiging banal, dahil ang pera ay nakakbili ng kabanalan katulad ng
mga Santo at Santa noon. Bakit ba ganitong uri ng Lipunan ang isinulat ni Dr. Jose Rizal na kayang lokohin 
ang mga tao, gawing tama ang mali, mag-alipin ng mga tao at yung ibay gawing snod-sunuran dahil sap era.
Mula noon hanggang ngayon ay sadjang makapangyarihan ang pera, kayang takpan ng pera ang iyong 
kasalanang nagawa, at kung ikaw ay mahirap wala kang silbi sa iyong lipunan parang ikaw ay isang buhay 
na patay na ang ibig sabihin ay buhay ka pa ngunit kung wala kang pera ay patay ang tingin sa iyo ng 
pamahalaan, tao at batas. Ganyan kamakapangyarihan ang pera noon sa atng lipunan at hanggang ngayon.
Sadjang makabuluhan ang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal akalain mong itoy totong nagyari sa ating 
bansa ngunit itoy kathang isip lamang ni Rizal. Sadjang malawak ang pag-iisip ni Rizal kahit sa mura niyang 
isipan siyay nakakgawa ng tula, nobela at aklat. 

1 5 1