Answers

2016-07-14T17:44:09+08:00

Ang mga Tagalog[1] (Baybayin: ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔) ang isa sa pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas kasunod ng mga Bisaya, at ang may pinakamalawak na distribusyon sa bansa. Sila ang pangunahing pangkat etniko sa mgalalawigan ng Batangas, Cavite, Bulacan, Laguna, Bataan, Quezon, Camarines Norte, Marinduque, at Rizal. Nagtataglay rin ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Zambales, at Mindoro Oriental, at angKalakhang Maynila, ng mga malalaking populasyong Tagalog. Mayroon ding mahalagang bilang nga mga Tagalog sa mga lalawigan ng Palawan.

Mula ang pangalang Tagalog sa katawagang "taga-ilog". Ngunit mayroon din panukala o teoriyang nagmula ito sa pangalan ng ilang mga tribo, mga Tagal, sa Borneo at Sumatra, o Minangkabaw.[1]

Ang mga Tagalog ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka, pangingisda at pagtitinda. Masipag, matiyaga at masikap ang mga Tagalog. Sila ay likas na masayahin kaya madalas silang magdaos ng mga pagtitipon tulad ng kasalan, kaarawan at kapistahan.

0