Answers

2016-07-16T08:07:57+08:00
Kasaysayan ng timong Korea:

Karaniwang tinatawag na Hanguk Namhan ng mga taga-Timog Korea. Ang Korea ay may mahabang kasaysayan na umaabot ng 4,000 taon, kasama na ang pagbagsak ng mga kaharian at dinastiya. Simula nang sumibol muli bilang isang republikang bansa noong 1948 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay naharap ito sa maraming mga pagsubok: ang Digmaang Korea, and deka-dekadang pamamahalang authoritarian, at pagpapalit ng konstitusyon nang limang beses. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga tropa ng Unyong Sobyet at Estados Unidos ay kinontrol ang kalahating hilaga at kalahating timog ng bansa.Ang dalawang magkalaban sa Cold War ay bumuo ng pamahalaang simpatetiko sa kanilang mga sariling mga ideyolohiya, na nagdulot sa Korea upang mahati sa dalawang pulitikal na bansa; ang Hilagang Korea at Timog Korea. Noong Hunyo 25, 1950, sinakop ng Hilagang Korea ang Timog na nagdulot ng Digmaang Koreano. Pagkatapos ng malaking paglusob ng parehong panig, ang digmaan ay lumaon umabot sa patas. Ang kasunduan noong 1953, na hindi nilagdaan ng Timog Korea, na humati sa tangway sa gitna ng isang demilitarized zone na malapit sa orihinal na demarcation line. Wala talagang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan, at ang dalawang bansa ay teknikal pa ring nasa digmaan.
0