Answers

2016-07-16T06:18:18+08:00
Sa paggawa ng balita kaylangan mong kuhain ang mga importanteng detalye
0
2016-07-16T09:35:06+08:00

Balita ang pinakabuhay ng isang pahayagan. Kung walang balita, walang mailalako ang isang tagapaglathala ng isang peryodiko o isang magasin. Balita kasi ang nagsisilbing pinakasalalayan ng halos lahat ng artikulo sa isang peryodiko: editoryal man o lathalain , o maging ang mga pitak . Ibig sabihin, ito ang pinalaman at buto, kaluluwa at dugo, ng isang publikasyon.

Kaya nga, dapat maunang matutunan ng isang nagbabalak na maging peryodista (journalist) ang magsulat ng balita, bago pa man ang pagkuha ng mga litrato o magsulat ng lathalain o pitak. Gayunman, hindi dapat matutunan lamang ang pagsusulat ng balita, o masakanayan ng isang tagapag-ulat ang pagsulat ng balita—dapat niyang matutunan ang sining at agham ng pagsulat ng balita para higit itong maging kapakipakinabang sa mambabasa.


0