Answers

2016-07-16T11:35:27+08:00
Ang PANGANGAILANGAN ay mga bagay na dapat tugunan dahil kailangan ng tao ito para sa kanyang pang-araw-araw na gawain. Hindi mabubuhay ang tao ng wala ito. Mula pagsilang ay may pangangailangan na ang tao hanggang sa mamatay.Hal, Bahay, Pagkain, Damit.


Ang KAGUSTUHAN ng tao ay mga bagay na mas mataas pa sa batayang pangangailangan. Luho kumbaga. Kapag hindi makuntento ang tao sa mga bagay na natugunan na ang pangangailangan ay magkakaroon ng kagustuhan. Hal, magandang bahay, magarang kotse, masarap na pagkain, mamahaling damit.
1 5 1