Answers

2016-07-17T11:22:10+08:00
Isang kakanyahan ng pandiwa ang pagtataglay ng iba’t ibang anyo ayon sa panahon at panagano. May apat na panagano ng pandiwa. 1. Pawatas – binubuo ng makadiwang panlapi at salitang-ugat, walang panahon ni panauhan Mga Halimbawa Ang magsabi ng totoo’y tungkulin ng tao. Ang umaawit ng opera ay isang karangalan. 2. Pautos - walang kaibahan sa anyo ng pawatas. Ito’y wala ring tiyak na panahon at ginagamit sa pag-uutos o pakiusap. Mga Halimbawa Umibig tayo sa Diyos. Magkawanggawa tayo sa mga nagigipit. Igalang ang karapatan ng isa’t isa. 3. Paturol – Iba sa lahat sapagka’t nag-iiba ang anyo ng pandiawa sa iba’t ibang aspekto ang perkpektibo, imperpektibo at kontemplatibo. Mga Halimbawa Ugat Panlapi Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo 1. luhod um lumuhod lumuluhod luluhod 2. dasal mag nagdasal nagdarasal magdarasal 3. dasal in dinasal dinarasal darasalin 4. buti in ibinuti ibinubuti ibubuti 4. Pasakali – walang kaibahan sa paturol nguni’t ginagamitang lagi ng mga pangatnig o pang-abay upang maipahayag ang kalagayang pasubali. Mga Halimbawa: 1. Baka matuloy kami kung may sasakyan. 2. Kung nabuhay siya disi’y Masaya ako ngayon. 3. Marahil naghihinanakit siya sa atin ngayon.
0