Answers

2016-07-17T16:57:12+08:00
Korapsyon? Ano nga ba ang korapsyon? Isa ito sa mga pinoproblema ng ating bansa na dapat na masolusyunan na ng ating Pangulo. Hindi man natin alam kung kanino itong pauso pero dapat na ito ay hindi ginagawa ng isang gobyerno o ng kahit sino. Para sa akin, ang gumagawa lang nito ay isang taong nasilaw na sa pera o di kaya mas nagpapayaman pa sila gamit ang bulsa ng bawat tao. Sa aking pananaw, masasabi ko na mga korap talaga sila at dapat na hindi na tumagal ito dahil kawawa naman ang ibang tao sa bansa natin. Kung makikita palang natin ang daming tao ang nangangailangan ng tulong pero hindi nila matulungan. Ang iba sa ospital ay naghihirap at ang iba pa nga'y namamatay dahil sa kawalan ng pera.
0