Answers

2016-07-17T18:11:52+08:00
Ang wikang Filipino[2] ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito. Noong 2007, ang wikang Filipino ay angunang wika ng 28 milyon na tao[3], o mahigit kumulang isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing ikalawang wika nila ang wikang Filipino[4]. Ang wikang Filipino ay isa sa mga 185 na wika ng Pilipinas na nasa Ethnologue[5]. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo."[6] Ang gustong makamit ng wikang Filipino ay ang pagiging pluricentric language, o ang wikang may iba't ibang bersiyon depende sa lugar na kung saan ito'y ginagamit.[7] May mga "lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod sa karaniwang balarila ng Tagalog" saDavao[8] at Cebu[9], na bumubuo sa tatlong pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng Kalakhang Maynila.
0