Answers

2016-07-17T18:54:19+08:00
Bikolano

Ang Bikolano ay isang pangkating etniko na matatagpuan sa mga probinsya ng Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Albay, Catanduanes at hilagang bahagi ng Masbate. Kilala ang mga ito sa kanilang mga produkto tulad ng pili na ginagawang suspiros, masapan, pastilyas at peanut brittle. Ang mga Bikolano ay nakilala sa buong Pilipinas dahil sa kanilang mga putahe na ginamitan ng gata at pinaanghang ng maliliit na siling labuyo tulad ng Laing at Bikol Express.


Ang Bikolano ay tumutukoy din sa wika ng mga taong naninirahan sa mga probinsya na matatagpuan sa tangway ng Bikol, at nagsisilbi bilang Lingua Franca o ang pangunahing wika ng rehiyon.


0