Answers

2016-07-18T16:52:47+08:00
Protektahan ang iyong sarili laban sa malware Gusto naming maniwala na ang Internet ay isang ligtas at tapat na lugar para sa lahat, ngunit hindi maitatanggi na nagkalat ang mga online na kriminal at hacker na sumusubok na manggulo. Isang paraan nila ng paggawa ng problema ang pagkakalat ng malware. Mapoprotektahan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang malware, paano ito kumakalat at kung paano ito maiiwasan. Ano ang malware? Ang "malware" ay anumang uri ng software na idinisenyo upang manira ng computer. Ang malware ay maaaring magnakaw ng sensitibong impormasyon mula sa iyong computer, unti-unting magpabagal sa iyong computer o magpadala ng mga pekeng email mula sa iyong email account nang hindi mo nalalaman. Narito ang ilang karaniwang uri ng malware na maaaring pamilyar na sa iyo: Virus: Isang mapanganib na program sa computer na may kakayahang kopyahin ang sarili nito at pumasok sa isang computer. Worm: Isang mapanirang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito sa ibang mga computer sa pamamagitan ng isang network. Spyware: Isang malware na kumukuha ng impormasyon mula sa mga tao nang hindi nila nalalaman. Adware: Isang software na awtomatikong nagpe-play, nagpapakita o nagda-download ng mga advertisement sa isang computer. Trojan horse: Isang nakakasirang program na nagkukunwaring isang kapaki-pakinabang na application, ngunit nakakapinsala sa iyong computer o nagnanakaw ng iyong impormasyon pagkatapos nitong ma-install. Paano kumakalat ang malware Makakapasok ang malware sa iyong computer sa ilang iba't ibang paraan. Narito ang ilang karaniwang halimbawa: Pagda-download ng libreng software mula sa Internet na lihim na naglalaman ng malware Pagda-download ng lehitimong software na lihim na may kasamang malware Pagbisita sa isang website na may malware Pagki-click sa isang pekeng mensahe ng error o pop-up na window na nagsisimula ng pag-download ng malware Pagbubukas ng isang attachment sa email na naglalaman ng malware Maaaring kumalat ang malware sa maraming iba't ibang paraan, ngunit hindi iyon nangangahulugan na wala kang magagawa upang mapigilan ito. Ngayong alam mo na kung ano ang malware at ano ang magagawa nito, suriin natin ang ilang praktikal na hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang iyong sarili.
0