Answers

2016-07-18T16:55:26+08:00
1. Aralin 16 Ang Sinaunang Sibilisasyon sa Africa at sa Pacific 2. Africa • Ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig, at nagtataglay ng iba’t ibang katangiang pangheograpiya na nagresulta sa iba’t ibang uri ng pamumuhay ng mga tao rito. • May sukat itong 30, 244, 050 Km2. • Ang malaking bahagi ng kontinente ay binubuo ng disyerto. • Aprikano (lalaki), Aprikana (babae) ang tawag sa mga taong naninirahan dito. 3. Oasis • Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matatagpuang mga bukal na tubig. 4. • Sa gitna ng kontinente ay matatagpuan ang isang tropical rainforest, na kadalasang umuulan mula lima hanggang walong talampakan sa isang taon. • Ang tropical rainforest ay mainit; may basang kagubatan na nagtataglay ng matataas na punongkahoy. • Kadalasan, sa mga tropical rainforest ay umuulan araw-araw. Ito ay nasa sonang malapit sa ekwador. 5. Savanna • Ang savanna ay malawak na kapatagan kung saan marami ang tumutubong talahib at damo. Marami sa mga tagaAfrica ay dito naninirahan.
0