Answers

2016-07-18T18:38:03+08:00
Ang manggugupit ay karaniwang tumutukoy sa isang taong gumugupit, tagagupit, o pumuputol ng buhok ng isang kliyenteng nagbabayad. Panlahat na tawag ito maging babae man o babae ang tagagupit. Tinatawag ring manggugupit ang mga mananabas otagatabas ng telang gagamitin sa pananahiBarbero ang tawag sa lalaking manggugupit na ang kadalasang kliyente ay mga kapwa lalaki rin. Sumusunod sa moda o pamantayan ang mga manggugupit. Marunong ding mag-ahit ng balbas at bigote ng mga kliyente ang mga ito. May iba ring nagkukulay ng buhok at nagmamasahe sa mga nagpapagupit, lalo kung natapos na ang gupitan. Pagupitan,barberya, o barberuhan ang tawag sa lugar na pinupuntahan ng mga ibig magpagupit. Mayroon ding mga pedikyuristamanikurista, atmangungulot sa mga paggupitan ng mga kababaihan.
0