Answers

2016-07-24T07:33:35+08:00
Ang Cupid ay isang mitolohiya na naglalahad ng pagmamahalan ng isang imortal na diyos at isang tao.Ang pangunahing punto ng may-akda rito ay ang mulatin ang lahat ng mambabasa na hindi lamang tungkol sa kasiyahan ang pag-ibig. ang pag-ibig ay tungkol din sa pagsasakripisyo, pag-unawa at tiwala. Sabi nga, ang pag-ibig ay hindi mabubuhay kung walang tiwala. Ang pagmamahalan ng dalawang tao ay nangangailangan ng isang matibay na pundasyon ng pag-unawa lalong lalo na ng tiwala, dahil ito’yn tungkol sa pagtitiwala at kung hanggang saan mo ito kayang ipaglaban.Napansin kong ang akdang Cupid at Psyche ay inahahalintulad niya sa totoong pangyayari. Naghahatid ito ng ibat’t-ibang aspeto upang mapagtibay tumagal ang pagmamahalan hindi lamang ng dalawang tao kundi pati na rin sa pamilya dahil dito unang nabubuo at natutunan ang pagtitiwala at npag-unawa sa isa’t-isa.Katulad ng akdang Cupid at Psyche, lahat tayo ay naranasan ng umibig kahit na sa simpleng paraan. Naranasang magmahal, umunawa, nagtiwala ngunit nasaktan. Ngunit, sa mga karanasang iyon, ay natutunan natin kung paano maging mas umunawaan ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig at pagtanggap sa bawat kasawiang ating natatanggap.Kung magbibigay man ako ng mga katanungan sa may akda yun ay ang:Kung paano niya naisulat at naipahayag ang kwentong ito, at kung saan siyta kumuha ng inspirasyon upang mgawa ito?Bakit hindi kayang tumagal ng isang relasyon kung walang tiwala?Dapat bang ipaglaban ang pag-ibig na nraramdaman kahit na alam mong malaki ang magiging kapalit nito?

Sang-ayon ako sa sinabi mo na ang pag-ibig ay hindi lamang puro kasiyahan kundi pati sakripisyo para sa pagmamahalan ng dalawang nilalang.

Sa katanungan mong “Dapat bang ipaglaban ang pag-ibig na nraramdaman kahit na alam mong malaki ang magiging kapalit nito?”, ay sa tingin ko'y nakadepende ito sa magiging resulta kung ito ba'y ipaglalaban mo para sa kabutihan o kasiraan.

0