Answers

2016-07-18T19:19:06+08:00
Ito ang pagtrabaho ng mga bata edad 17 pababa para matulungan ang kanyang mga kapatid at magulang

0
2016-07-18T19:27:29+08:00
Ang child labor ay forced labor para sa mga batang pinipilit pagtrabahuhin ng kanilang mga magulang “against their will”. Sa murang edad ay nagbabanat ng buto upang kumita ng salapi na ipanunustos sa pangangailangan ng pamilya. Naririyan lang sila sa ating paligid, sa pabrika, sa panawagan, sa quarry, sa dagat, sa bahay, sa bar, sa tindahan, sa tambakan ng basura, sa telebisyon at mga kauring hanapbuhay. Walang permit, masamang record ng kalusugan, kulang sa edad, at marami pang kadahilanan.
Ang kriminal: Kahirapan! Ito ang nagtutulak sa kanila upang magtrabaho nang maaga. Nagbubuhat ng mga bato, nagiging kasambahay, nagbabalot ng kung ano-ano sa pagawaan at pabrika, nagiging “errand boy”, nagtitimpla ng kemikal, pumapasok sa mga pagawaan ng paputok, nagbobote garapa, sumisisid sa ilalim ng dagat upang may pagkakitaan, nagtatabas ng ani, naglalako ng sampagita, kakanin, ballot, at iba pang pagkakakitaan. 
0