Answers

2016-07-23T16:28:06+08:00
Dalawa ang sistema ng pamahalaan ng mga ating ninuno. Ito ang Pamahalaang Barangay at Pamahalaang Sultanato. Ang pamahalaang barangay ay nagmula sa salitang balanghay o balanghai na tawag sa mga sasakyang-pandagat ng mga Malay. Ang isang barangay ay binubuo ng 30 hanggang 100 na pamilya. Datu, gat, raha, o lakan ang tawag sa pinuno ng isang barangay. Meron din siyang katulong sa pamumuno ng isang barangay. Ito ang konseho ng matatanda nanagsisilbing tagapayo ng datu sa paggawa ng batas at ang umalohokan ang nagsisilbing tagapagbalita ng barangay kapag may bagong batas na napasa ang datu. Nagkakaroon ng seremonya kung nakipagsundo ang isang datu sa isa pang datu. Isinasagawa nila ang sanduguan o kasi-kasi, ang sanduguan ay ang paghiwa ng bisig at papatakan ng dugo ang kanilang alak at sabay na iinom.
0