Answers

2016-07-31T12:14:13+08:00
Buod
Nagsimula ang lahat sa isang pagkakamali na napatungan pa ng isang pagkakamali.

Si Mathilde ay nakapangasawa ng isang abang lalaki na hindi kayang ibigay ang lahat ng kanyang luho. Dahil dito laging mainit ang ulo ni Mathilde sa kanyang asawa. Isang araw, naanyayahan ang mag-asawa sa isang kasiyahan. Sa halip na masiyahan, si Mathilde ay nangamba at nagalit sa kanyang asawa dahil wala siyang magarbong damit na isusuot at kahit ang kaniyang asawa ay hindi mabibili ang damit na kaniyang nais. Sa kabila ng mga bayarin at pangangailangan, mas inuna pa ng mag-asawa na bilhin ang damit. Ngunit hindi pa rin nakuntento si Mathilde dahil wala siyang alahas na susuotin, kaya’t sila ay nanghiram sa isang kaibigan na si madam Forestier ng kwintas na ubod ng ganda.

Labis na nagsaya ang mag-asawa kaya’t 4:00 na ng umaga nang sila ay makauwi. Ngunit nagimbal ang mundo ng mag-asawa ng mapansin nila na wala na ang kwintas. Sa ganda nito, tiyak na malaki ang halaga na katumbas ng kwintas. Kaya’t ginugol nila ang kanilang panahon sa pagtatrabaho upang mapalitan ito. Sa sobrang pagtatrabaho, tumanda ang itsura ni Mathilde, kaya’t ng makasalubong niya si madam Forestier habang siya ay naglalakad, hindi siya nakilala.

Sa kanilang pag-uusap ipinagtapat ni Mathilde ang tunay na nangyari kay madam Forestier. Gulat naman ang naging reaksiyon ni madam Forestier dahil sa lahat ng pinagdaanan na paghihirap ng mag-asawa, ang lahat ng kanilang pagod ay para lang sa pekeng kwintas.
0