Answers

2016-07-24T07:28:40+08:00

(A/N: Hindi po ito [PG-13]. Hindi na po mabago eh. Para po sa lahat ito [G]. Lubos na ikatutuwa ko po kung maibabahagi niyo ang kwentong ito sa inyong mga kakilala)Noong unang panahon sa malayong nayon ay may nanininirahang batang babaeng nagngangalang Luna. Masaya siyang naninirahan kasama ang kaniyang pamilya sa kanilang malapalasyong tahanan. Kilala ang kanilang pamilya ‘di lamang dahil sila ang pinakamayaman kundi dahil na rin sa ipinapakita nilang mabuting kalooban. Si Luna ang nag-iisang anak ng mag-asawang Ula at An kaya naman napalaki nila ito ng may takot sa Diyos at butihing kalooban.Madalas ang pagkakaroon ng tagtuyo sa kanilang lugar kaya marami ang laging nagugutom. Sa pag-baha (o kaya high tide) lamang sila umaasa. Sa panahon ng taggutom, ang pamilya nila ang nagsisilbing sandalan ng mga taong naghihirap sa nayon. Sobra sobra ang kanilang mga ani tulad ng palay kaya marami silang naitatagong mga pagkain.Isang araw ay nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari ang buong baryo. Habang naglalakbay ang ama ni Luna na si Ula upang magbigay tulong sa kabilang nayon ay aksidenteng nabangga ang sinasakyan nito sa isang malaking bato na kaniyang ikinamatay. Nagulat at nalungkot ang lahat sa biglaang pangyayaring ito. Halos isang linggo bumalot ang katahimikan sa naturang baryo.Hindi na nakayanan ni An ang kaniyang nadaramang depresyon. Makalipas ang dalawang buwan ay tuluyan na siyang nagkaroon ng sakit sa pag-iisip. Marami ang gustong mag-alaga sa kaniya ngunit tanging si Luna lang ang kaniyang pinapakinggan. Masaya namang pinaglingkuran ni Luna ang kaniyang ina habang ipinagpapatuloy ang pagtulong sa mga taong mahihirap.Nang dahil sa murang eded, hindi alam ni Luna kung ano ba ang dapat niyang gawin. Nahihiya siyang humingi ng tulong sa ibang tao sa takot na mapahiya kaya inililihim niya nalang ang kaniyang pag-hihirap. ‘Di nagtagal ay nawalan siya ng pag-asa at tiwala sa Diyos. Araw araw na siyang umiiyak at nagwawala sa kaniyang silid. Nakalimutan niya nang tumulong. Pati na rin ang sariling ina ay napabayaan na hanggang sa dumating ang araw na namatay ito ng dahil nga sa kaniyang pagpapabaya.Ang pangyayaring ito ang gumising sa pagkawala ni Luna sa kaniyang sarili. Naisip niya na kung hindi siya nagkulong sa kaniyang silid at hinarap nalang ang mga problema, ay hindi magyayari ang mga bagay na ito. Pinilit niyang tumayo sa pagkakahiga sa kama ngunit masyado na siyang mahina. Tumingala na lamang siya at nanalangin. Hiniling niya sa Panginoon na sana makatulong pa rin siya kahit siya ay wala na. Nagkaroon saglit ng napakaliwanag na liwanag ng matapos niyang masambit ang mga katagang iyon. Maya maya pa’y may bumubuhos nang malakas na tubig na nagmumula sa kalangitan. Nagtaka ang lahat sa nangyari hanggang sa napansin nila na wala na si Luna sa kaniyang silid.Madalas na bumubuhos ang tubig mula sa kalangitan simula noong araw na iyon kaya hindi na kailanman nagkaroon ng tagtuyo sa kanilang nayon. Tinawag ng mga tao ang tubig na nagmumula sa kalangitan na “Ulan” na nanggaling sa pinaghalong pangalan ng mag-asawang Ula at An at pinag-lipat lipat na titik ng pangalan ni Luna. Sa tulong ng ulan ay masagana nang namumuhay ang lahat ng tao.
Aral sa kwento:
Huwag nating kalilimutan na ang Diyos ay nasa'ting tabi lamang lalong lalo na sa mga oras na Siya’y ating kinakailangan. Hindi tayo dapat nagpapadaing sa mga problemang dumaraan sa ating buhay. 

[LEAVE A VOTE AND A COMMENT PLEASE!] For inquiries please [email protected]Or message me on:My Personal Facebook Account: www.facebook.com/LoysShaadowFacebook page: www.facebook.com/UnknownShadowWriter


About sa softcopies, pwede niyo po ito madownload sa: http://www.4shared.com/office/kYPasxJVba/Alamat_ng_ulan.html (PDF format). Kung editable ang kailangan niyo, I recommend you to message me on my Facebook page mentioned above.  And please pakispecify po yung purpose.
Hindi po ako madalas makaonline kaya kung pwede, magmessage na po kayo agad 3-4 days before niyo kailangan. Sa oras na nabasa ko po, magrereply po ako agad sa page na iyon. Pero sa personal account ko po imemessage yung file kaya pakiabangan nalang. May cases na sa 'Other Folder' (sa tabi ng Inbox sa taas) po napupunta yung message ko dahil hindi connected yung account niyo sa akin.

Sa mga nabigyan na po ng editable softcopies sana po ipaalam niyo po muna saakin kung may pagbibigyan kayong iba. At wag po kalilimutan lagyan ng watermark or 'by Marielle Lois V. Anunciado' below the title kung ipapass niyo po iyan as your project.
Speaking of project, please avoid po ang pag-angkin po na kayo ang gumawa tas ipapass ninyo. Be sure na yung project niyo ay ang paghanap ng Alamat made by other people; hindi yung gumawa ng isang alamat. Plagiarism po iyon kung magkakataon. HAHA. Iyon lamang po. Thank you!
0