Answers

2016-07-19T19:11:52+08:00
Kwentong bayan-pinagmulan ng mga bagay
Epiko-alamat na tungkol sa kabayanihan .
0
2016-07-19T19:16:51+08:00
Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

Ang Epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
Ang salitang Epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang 'awit' ngunit ngayon ito'y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
0