Answers

2014-07-29T08:50:55+08:00
Si Manuel Quezon ay ipinanganak sa Baler,Quezon(ngayo'y Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Lucio Quezon at Gng. Maria Molina.Si Manuel ay unang nag-aral sa Baler at pagkatapos ay sa san Juan de Letran kung saan niya tinanggap ang ayan ng pagiging dalubhasa sa Siyensya ng Matematika. Siya ay umanib sa Katipunan nang siya ay labing-walong taong gulang pa lamang. Sa gulang na dalawampu't isa ay umanib siya sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Naging piskal sa edad na 25 at naging gobernador sa edad na 28. Siya rin ay naging Komisyunado Residente nang siya ay 31, pangulo ng Senado nang siya ay 38 at sa edad na 56 ay naging Pangulo ng pilipinasPinatupad niyang maging piesta opisyal ang kapanganakan ni Bonifacio at siya rin ang nagpagawa ng bantayog nito sa green park. Gumawa siya ng hakbang upang magkaroon ng Wikang Pambansa na hango sa isang diyalekto sa kapuluan. Kung kaya't ang naging pambansang wika ng bansa ay Filipino. At ito ang naging dahilan kung kayat tayo ay nagdiriwang ng Linggo ng Wika sa buwan ng kanyang Kapanganakan.Si Manuel Quezon ay naging kagawad ng Pacific War Council at noong Hunyo 14, 1942, siyaang unang Pilipinong lumagda sa Nagkakaisang Bansa o United Nations.Si Manuel Quezon ay namatay noong Abril 15, 1948 dahil sa sakit na tuberculosis at nilibing sa Arlington National Cemetery sa Washington at inilipat ang kanyang labi sa Lungsod ng Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.
1 5 1